Interview on DZMM: Pork in 2020 Budget; Parents Welfare Act of 2019 | Oct. 1, 2019

Interview on DZMM: Pork in 2020 Budget; Parents Welfare Act of 2019 | Oct. 1, 2019


Q: Ano ang SB 29?
“Kung ang magulang walang capacity, aged, sickly o incapacitated, kailangan may obligation ang anak para pangalagaan sila. Basic na pangangailangan nila dapat matugunan. Ito naman hindi na bago. Mula pang 3rd century sa Rome, may statutes pinalabas noon ganyan ang direction. Sa Europe ganoon din. At pati sa Constitution natin at Family Code. So hindi bago ito. Parang formalize natin maging batas para ang obligation, filial responsibility at obligation ng mga anak sa magulang, nariyan.” Q: Refiled ito from 17th Congress?
“Totoo yan, noong 17th Congress. Refile ko ito ngayon, one of my top 10 bills.”
Q: Bakit kailangan pa gawing batas ito?
“Hindi lahat. While ang kultura natin very close ang family ties natin at tayong mga anak pinapangalagaan ang magulang maski walang batas, may exception na ang anak pinabayaan ang magulang na nag-iisa, kaya mabuti na rin may mandato ang batas. Korte magpapasiya kung magkano, ano ang manner, sino-sino ang kailangan magsuporta.” Q: Paano kung walang wala ang anak?
“Halimbawang incapacitated din ang anak, grandchildren may obligasyon para pangalagaan ang lolo at lola.”
Q: Papasa sa apo?
“Na may kakayanan. Pag kumita.”
Q: Paano ang may kakayanan?
“Pero dapat bigyan din ng pag-aaruga at pangangalaga ang magulang. Maski papano isama sa financial support ng kanyang kikitain.” Q: Mindset iiba pag may pamilya, pamilya mo na una?
“Pero alalahanin natin wala tayo sa mundong ito kung wala ang magulang natin. At mabuti na rin yan mamulat ang anak natin na tayo marunong mag-alaga ng magulang para kung tayo malagay sa ganoong kalagayan, anak naman natin mag-aalaga.”

Q: Home for the Aged?
“Oo may feature na ganoon. Kasi shared responsibility ng gobyerno at anak ang pag-aruga sa elderly parents na walang kakayanan. Nasa Family Code naman yan.” Q: Chance na maipapasa ito?
“Palagay ko lahat tayo magulang. Lahat kami may magulang. Lahat kami may anak bukod siguro si Sen. Gatchalian. Kaya palagay ko masusuportahan. Kahapon may tumawag na congressman humihingi ng kopya ng bill para makapagawa ng counterpart na bill sa HOR.”
Q: Nakakalungkot kailangan i-legislate pa?
“Tama yan nakakalungkot nga. Pero hindi naman lahat ng anak ganoon ang tingin sa magulang nila. Kaya gawin na nating batas para talagang maobliga at talagang magsuporta.” Q: Sabi ng HOR pork-free ang 2020 budget?
“Meron silang announcement na P9.5B lang realigned. Alam mo siguro wala nang pinakamasayang tao sa Pilipinas kundi ako kung mawala ang pork barrel kasi napaka… kilala tayo. Pasalamat tayo kung yan ang nakapaloob sa HOR version na ita-transmit sa amin. Unang una wala na kaming masyadong trabaho kundi i-review ang NEP. Masaya tayong lahat pagka ganoon… … For the first time ganyan ang nangyari wala talagang naka-insert, walang naka-park, walang malaking bilyon-bilyon na napunta sa mga distrito ng walang consultation sa ahensyang mag-implement, masaya tayong lahat.”

Q: APC said in so many words di pwedeng tsismis lang?
“Darating tayo roon kapag nag-scrutinize kami at may nakita kami talagang magbibigay-alam natin sa kanila. At may pangako sila tatapyasin sila tingnan natin.” Q: Bakit kailangan matuklasan pa ng Senado
“Mahirap hanapin yan. Talagang pagpupuyatan yan. Aabot kami ng 2-3 a.m. pag budget deliberation at laging may nakikita. Maski NEP di rin perpekto. Tulad noong nagkaroon ng pagdinig sa DPWH may natuklasan kaming proyektong nag-overlap. 2 proyekto bakit may 300 linear meters malaki ang halaga, P11.5M na di binawas sa cost ng project pero 1x lang ginawa ang overlap. Ibig sabihin ginastos pa rin. Yan ang tinitingnan natin. Walang perpektong dokumento, maski NEP sumailalim sa pag-aral ng member ng Cabinet… … Sa HOR marami sila nag-scrutinize din. Tingnan natin. Pero sabi ko nga pag wala kaming nakita at makikita namin kung meron, sabi ko nga masaya tayong lahat na Pilipino kasi dagdag tayo ng dagdag ng buwis tapos nakikita natin di nagagamit ang pondo ng bayan, ang national budget, para sa dapat paggamitan.” Q: Bakit kailangan may maghanap?
“Makikita at makikita kasi may pagkumparahan tayo, meron tayong NEP. I-juxtapose mo sa HOR version kita agad ang diprensya. Mahirap lang talaga iisa-isahin mo yan. Pero dahil matagal nang ginagawa ng staff ko ito, alam na rin nila. May sistema na kung paano maghanap. Ang unang budget ni PGMA nasa P800B pondo 2001-2002, hanggang pumalo sa P1T, ngayon sa P4.1T. Luminga tayo sa paligid, anong nangyari sa atin, umasenso ba tayo in terms of livelihood, in terms of infrastructure, parang hindi rin commensurate sa nakita nating paglobo ng national budget… … Ang NLEX SLEX TPLEX SCTEX may toll dahil pribado. So yan tinitingnan natin. Over the years lumobo ang national budget, pero kung pupunta tayo sa probinsya, makita ba natin ang kaukulang halaga na nilobo ng budget sa nakikita natin sa paligid natin? Parang hindi.” Q: Hearing on GCTA?
“Ang inimbitahan nag-segue sa ninja cops, agaw-bato, maghaharap sila ngayon at may documents na binigay ang BRC and justice committee. Napag-aralan na siguro ng senador para alam natin ang itatanong.” Q: Expecting partial committee report?
“Naipalabas na, may committee report ang pagtatag ng maximum security, super max na tinatawag sa ibang bansa, super maximum security detention facility. Tapos ang pag-decentralize ng NBP kung saan yan na lang hinahanap. Halimbawa Nueva Ecija yung ililipat, kasi malaking property ito rito, mga 378 hectares, prime property yan. Halimbawa ito may mga joint venture man o long-term lease, ito pwede mag-sustain sa paglilipatan ng facilities… … So na-discuss namin minsan kay SOF Dominguez at sang-ayon ang executive branch na tama nga dahil displaced na rin ang NBP sa lugar na matao na. Kaya ihanap natin ng lugar na kung saan pwede i-adopt ang facilities sa prevailing situation. Advanced na ang technology, pwedeng ang human intervention ma-minimize na if not mawala parang makakabawas pa tayo ng personnel services, ang pasweldo sa mga tao. Gamitin ang techonology para ang security pati rehab nariyan.”
Q: Committee report matagal pa? “Wala pa, pagkatapos pa nito, pag tapos ng committee.” Q: May parents na abusive sa bata?
“Parang may batas na tayo riyan. Pero i-revisit natin, at kung ano ang inputs na pwede ipadala dahil alam ko advocacy ng ABS-CBN ang Bantay Bata. Willing kami kasi trabaho namin mag-file ng bills para ma-improve ang batas na maski meron na, maamyendahan para ma-improve pa.”

3 thoughts on “Interview on DZMM: Pork in 2020 Budget; Parents Welfare Act of 2019 | Oct. 1, 2019

  1. Brilliant Sir Ping! Thank you again… regarding national budget and pork, if all of these are computerized… it would be easy for us to do check and balance. Even easier to see if there are overlaps… we can even make rules on applications to don’t accept those illegal insertion… unless it was intentionally not to go forward on computerization processes for beneficial of some, to hide those so called pork on the national budget!!! Thank you Sir Ping.

  2. Sana mawala na talaga ang mga pondo sa mga senador at tongresmen,may kasabihan pinas daw ang pinaka maraming buwaya.

  3. It's a wonderful law however, dapat Ang government ay meron ding programs for the aged whether or not the relatives have the apacity or incapacitated. Also increase the discount for the senior citizens from 20 to 50. Relative to that, tanggalin na mga conditions regarding free movies for the senior citizen. Kung taga manila ka, dika makapanood sa QC & when you missed the schedule, magantay ka next Week & whether the movie is on 2nd screening. Small things like that are stressful.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *